MERRY CHRISTMAS! hahaha.. dahil nakalimutan ko na ang magpost, next year na ako gagawa! anyway, HAPPY HOLIDAYS!
hahahaha
Disyembre 23, 2009 · Mag-iwan ng Puna
→ Mag-iwan ng PunaMga Kategoriya: Uncategorized
la la la
Nobyembre 8, 2009 · 1 Puna
simula na ng bakbakan bukas. susugod na ako sa giyera na ang tanging tangan ay ang katapangan mula sa mga taong nagbigay ng panibagong kulay sa aking buhay.
kakayanin ko ang buhay na wala ang taong nang iwan sa akin. pipilitin kong magawa ang lahat ng bagay.
sa giyera, marami akong kasamang bagong sundalo at meron akong 3 bagong kumander! hahaha
sana masaya sa bago kong kampo.
→ 1 PunaMga Kategoriya: Uncategorized
ang iniwanan
Oktubre 23, 2009 · Mga Puna
nya.
siguro mas mabuti na nga yung wala siya para hindi na ako nag iisip pa tungkol sa mga ginagawa nya pero dahil gusto ko pa rin siya, ito ako, mukhang tanga.
pero bakit ko nga ba siya iniisip gayong mas marami akong problemang mas unahin.
hay. para tuloy nawalan na ako ng ganang magmove on sa buhay. sana naman may mas magandang dahilan kung bakit nya ako iniwan.
→ 2 Mga PunaMga Kategoriya: Uncategorized
wala kang kwenta
Setyembre 24, 2009 · Mga Puna
mahirap mawalan ng isang taong importante sa buhay mo. pero paano mo sasabihin o kaya ipapakita na ayaw mo siyang mawala kung ang ginagawa mo ay kabaligtaran ng nais mo?
magbibigay ako ng isang halimbawa:
sabi mo sa kanya, ayaw mo siyang mawala at wag ka niyang iiwan. tapos ang gagawin mo, babalewalain mo siya at gagawa ka ng mga bagay na maglalayo ng loob mo sa kanya.
sa tingin mo ba tama yun?
ito pa ang isa:
pag kayong dalawa lang ang magkasama, sasamantalahin mo ang pagkakataon. gagawa ka ng mga kabulastugang tila kaungasan lang. at pag may kasama kayong iba, di mo kayang panindigan ang pagiging mahalaga niya.
oh! tama ba ulit yon? isipin mong mabuti!
ngayon, ito na yung pinakamalupit na halimbawa:
sinabi niya sayo na papakawalan ka na niya. kasi napuno na siya sa mga ginagawa mong puro kaungasan lang. di ka nagtetext kahit may load. nagpalit siya ng sim para lang magkatext kayo pero di mo pa rin tinext, tapos super MIA ka!, tapos, sabi niya di na niya alam kung san lulugar, birthday niya di mo binati, ni hindi binigyan ng regalo. tapos, sa sobrang haba at dami ng kasalanan mo, ang masasabi mo lang ay(ang irereply mo lang)….. SORY….
ni hindi mo na binuo. tapos hahayaan mo lang siyang mawala! kumusta naman yun kaibigan? di ka man lang ba gagawa ng paraan para maayos ang relasyon nyo? talaga bang hahayaan mo na siyang umalis?
sa sobrang guilty mo, sa halip na ayusin ang relasyon ay magpapaka-emo ka na naman sa bahay nyo. tipong isolated ka na naman. ang masasabi ko lang ay isa kang MALAKING TANGA! OO! TANGA KA! WALA KANG KWENTANG TAO! AT SANA WALA KANG MAGING MATINONG RELASYON DAHIL DI KA WORTH NA MAHALIN AT SAMAHAN!
kaya, magtago ka na lang! ITAGA MO SA BATO AT SA KUKOTE MONG WALANG IBANG LAMAN KUNDI SARILI MO!
→ 2 Mga PunaMga Kategoriya: Uncategorized
anong bago?
Setyembre 17, 2009 · Mag-iwan ng Puna
ano na nga ba ang latest chikka?
nagbalik na siya mula sa kanyang bakasyon! sus! ang saya ko kasi nung nakita ko siya, nalaman ko na concern siya sakin! thank You!
yung asawa kong magaling, MIA na naman. di ko pa nahuhuli yung babae niya e, pero pag nahuli ko sila, huh, patay si junjun!
namili ako ng isang gadget! aba!!! pang inggit ko kay mare to! hehe.. siyempre meron akong nilagay dun na gustong gusto niya…
si sir! aba!! mabait naman pala! toxic lang siya sa buhay niya!
si mother nature, nagalit ata sa taga amin.. ayun, pinaulanan kami ng yelo. aba! di kami maswerte dahil isang pangit na palatandaan yun!
si bonggang lola, sinundo na ni Boss. i didnt expect that i would happen.
marami pang iba ang bago pero sa ngayon, iyan muna.
→ Mag-iwan ng PunaMga Kategoriya: Uncategorized
kakain na
Setyembre 12, 2009 · Mag-iwan ng Puna
isang umaga, nagising akong gutom na gutom. at dahil alam kong walang tinapay sa aming bahay, lumipat ako sa bahay ng tita ko.
doon, sigurado kang laging may kakainin. simula pa nung bata ako, bihirang mawalan dun ng pagkain kaya nga’t lumipat ako dun dahil alam kong kung walang tinapay ay merong pagkaing gusto ko.
sakto ang lipat ko ng bahay dahil kararating lang nila mula sa palengke.
pagdating ko sa kusina, meron ng nakahain na tinapa at sinangag.
may-maya pa ay inaya na ako ng tita kong kumain, pero di pa rin ako kumain. sinamahan ko yung pinsan kong bata sa cr. pati yung yaya ng pamangkin ko inaya na rin nya.
biglang………
“kung ayaw nyong kumain, sabihin nyo. wag na wag nyong pinaghihintay yung pagkain. pag umalis yung pagkain kawawa kayo!”
kasi naman eh, kakain na nga ako, hinintay ko lang yung pinsan ko.
kasalanan ito nung yaya nung pamangkin ko. kasi naman dapat nga kumain na siya habang tulog pa yung bata pero hindi pa rin siya kumain.
matatapos na akong kumain nung dumating sa kusina yung yaya, bitbit yung pamangkin ko. ayun, lalong nag-init yung ulo ng tiyahin ko.
“wag na wag nyong pinaghihintay ang pagkain. ok lang na kayo ang maghintay.”
naku, kakain na nga lang may sermon pa.
→ Mag-iwan ng PunaMga Kategoriya: Uncategorized
bakit?
Agosto 27, 2009 · Mag-iwan ng Puna
anong nasa bulsa ko?
yung wallet ko. yung coin purse ko. yung susi ko. yung jellybeans at yung chuckie.
bakit iyan yung nasa bulsa ko?
e nanguha ako ng jellybeans sa pinsan ko. isama mo na yung chuckie. tapos pumunta akong bayan kanina. siyempre, kelangan ko yung wallet ko tsaka yung coin purse ko. yung susi ko naman talagang dinadala ko yan pag lumabas ako ng bahay.
nasan ako ngayon?
ito, nasa tabi tabi. nag iisip kung anong dapat gawin. parang nasasagad na nya ang pisi ko pero kelangan kong magtimpi.
bakit ako nagsusulat?
kasi, somehow, nailalabas ko yung naiisip ko. naalala ko kasi yung kwento sakin kahapon. yung isa kong kakilala, ayun, lumuwag na yung turnilyo. natatakot ako na matulad ako sa kanya.
ayun. sa sobrang dami ng naiisip ko, parang gusto ng sumabog ng ulo ko. pero dapat cool lang kasi ilang taon na lang, keri ko na. gets mo ba?
naasar ako kasi simpleng bagay lang di pa magawa. minsan minsan na nga lang magkita ganun pa.
anyway, hanggang dito muna ako. may pasok pa ako bukas. dapat kong agahan ang gising ko.
o paano? paalam….
p.s.
parang gusto ko din atang magpaampon kay ANO, kaso nga lang parang tanga lang ako. una kay ANO tapos ngayon naman kay ANO? gets mo ba? ako gets ko. hahaha.. kahit isang araw lang.. kung papayag KA.. sige na BOSS!! PLEASE!!! silang dalawa gusto kong maging close. yung tipong anak ang turing nila sakin para masaya..
asa naman ako di ba.. pero sige na.
→ Mag-iwan ng PunaMga Kategoriya: Uncategorized
anong konek?
Agosto 20, 2009 · Mag-iwan ng Puna
kumusta na ba ang mundo? siyempre madami na ang nagbago at siyempre patuloy pa rin silang magbabago.
pero maiba ako. kumusta na nga ang mas magulo kong mundo?
aba! ang dami ng nagbago. di ko sila kayang isa isahin, at siyempre pag ginawa ko yun baka wala akong gawin kundi magsulat ng magsulat dito.
tapos na ang linggo ko.pero ang kulang ng buhay ko. di ko alam kung ano ito pero dama ko ang kakulangan. nakapanlulumo ito.
nasan na kaya ang asawa ko? buhay pa kaya siya? maryones! MIA ata siya e. ni hi ni ho wala. tapos idagdag mo pa yung mga nakikita ko. aysus! bumabaliktad ang mundo ko.
namimiss ko yung asawa ko pero may pinagnanasaan akong iba. ang sama sama ko talaga.
pero ganyan talaga ang buhay. kelangan kong masanay. pero sana araw araw ko siyang makita. silang dalawa o kaya silang tatlo, lalo na yung asawa ko. kahit ganun yun mahal ko yun.
→ Mag-iwan ng PunaMga Kategoriya: Uncategorized
batong bato
Agosto 14, 2009 · Mag-iwan ng Puna
sus. kaaga aga bakit ganito? nauna akong magising sa ring ng alarm clock. alas quatro ko na nga inalarm pero nagising pa rin ako ng alas tres.
nakakatamad ng magbasa ng notes. puro notes na nga yung hawak ko kagabi tapos notes na naman ngayon.
teka,tawag ako ni mudrang kalikasan.saka ko na pagdedesisyunan kung magbabasa nga ba ako o ano.
tapos nagutom ako.makababa nga sa kusin.halungkat dito.halungkat doon.ay. WALANG PAGKAIN. baka meron sa ref. kutikot.kutikot.ano to?kaning nagyeyelo? paano ko kakainin?
anong oras na ba? mag-aalas singko na pala.medyo malamig yung tubig sa banyo.makapag init ng tubig pampaligo. tapos biglang…..
ano to?may de lata sa may likod ng kalan.mailuto na nga.tamang tama.may maiulam sa kaning nagyeyelo. hm.. kakaiba ang amoy nito.hindi ko trip.parang di masarap. maisangag na lang rin yung kaning nagyeyelo para may makain yung mga taong tamad sa bahay.
hay.salamat kumulo na rin yung tubig.makapaligo na nga. malapit ng mag time.kelangang kumilos ng mabilis. op kors. paligong uwak na naman ulit kasi nga nagmamadali na yung tao.
ay.unform kame ngayon!WALA AKONG PLANTSADONG UNIFORM! naku. hagibis na.
room ***.uy.ang dami ko ng klasmate dito. buti na lang wala pa yung proctor. silip dito.silip doon. ayun may bakante pang upuan sa may bintana.dun na lang ako pupuwesto.
exam time! naku.mukhang madali lang naman. ayos ang ‘basa basa’.part one. ok sa first page.moderate ang second page. third page na pala ako, ay.pahirap ng pahirap tong test ah. tapos, may nagsalita,’tapos na ba kayo? meron pa kayong ilang minuto.’ takte!ich may paborit titser! smiling siya. bakit kaya?
natapos ko ang exam.bakit kung ano pa yung madaling mga sagot yung nakalimutan ko. naku naman. makalibot na nga lang. tapos bigla na namang…. YUNG ISANG PABORIT KONG TITSER!bakit parang wala siya sa mood? ok na yung araw kahit papano. sige… lakad pa.. tapos sabi nung tropa ko, si ano oh!ano ano! ahahaha.. kumpleto na talaga ang araw.
medyo mahirap ang ganitong buhay, ngayon ko lang napagtatanto. walang magawang matino. balibaliktarin ko man yung katawan ko, wala talaga yung hilig ko dun.
kahit mukhang wala akong patutunguhan sa buhay, patuloy pa rin ako sa paglakad.malay ko, baka pag natisod ako, iyun na.
walang sense, no? ganun talaga.. kaya nga bato e. BATO. batong bato sa buhay.batong bato sa bahay. batong bato sa lahat ng bagay. BATO.
→ Mag-iwan ng PunaMga Kategoriya: Uncategorized
tinik sa lalamunan
Agosto 12, 2009 · Mag-iwan ng Puna
bakit nga ba pag isang tao ay pasakit sa buhay tinatawag siyang isang “tinik sa lalamunan”? kahit mataba yung tao ang tawag nila ganun. kahit di siya mukhang nakakatusok ganun yung tawag. so bakit nga ba talaga?
isang tanghali, kumakain ako ng piniritong isda(bangus to be specific). gusto yung parte sa may tiyan, bukod sa gusto ko ang taba sa may tiyan nito ay kokonti lang ang tinik sa parte ito. masarap ang kainan. pero bakit kung yung huling subo na lang e, haaaaaaaaak. takte, natinik ako! susmiyo.
natawa tuloy yung katulong ng pinsan ko. sabi niya, ilunok ko lang daw, e paano ko kaya ilulunok e ANG SAKIT! kaya inihanap niya ako ng saging. pero bakit kung kelan walang saging sa bahay e saka pa ako natinik! at FIRST TIME KONG MATINIK!
takbo ako sa lababo.takte! nakakasuka naman yung tinik. dinukot ko kahit na nag ga gag reflex ako. kunwari makukuha ko pero hindi. nakapa ko naman yung tinik pero di ko makuha. biglang sumulpot yung katulong, “dite(iyun yung tawag sakin ng pinsan ko), ito tubig oh.” pero wala pa ring epekto. nararamdaman ko pa rin yung tinik.
tumingin ako ng pagkain sa ref. naku naman, sa lahat ng prutas bakit papaya pa. e di naman nito keri yung tinik. iyun na lang daw yung kainin ko sabi nung katulong. pero bakit ganito, ubos ko na yung papaya, nandun pa rin yung tinik.
isa lang ang solusyon diyan.at dahil isa akong nursing student, gagamitan ko na ito ng forcep! iyun, nagtatakbo ako pauwi. hinanap ko agad yung bag kong pang duty.nandun kasi yung paraphernalia bag ko. tapos hinalungkat ko yung forcep sa may pocket. yes! nakita ko agad. tapos kelangan ko din ng salamin. ANAK NG! NAWAWALA YUNG SALAMIN KO! ANG SAKIT NA NG LALAMUNAN KO! siguro sa kwarto nila mommy meron. tapos bumalik ako sa kwarto ko. kelangan ko pala ng PENLIGHT. naku naman! WALANG BATTERY YUNG PENLIGHT! tapos naalala ko yung flashlight.pwede na yun.
pumunta ako sa kwarto nila mommy dala ang MALAKING FLASHLIGHT AT ANG AKING UNSTERILE FORCEP. tapos nakita ko na rin yung salamin kong maliit. nasa kwarto pala nila mommy.
ito na! tinignan ko kung kita yung tinik. naku!kaya naman pala ubod ng sakit. yung isang manipis na tinik naipit ng pahalang sa may lalamunan ko! sinubukan kong kuhanin. takte,gag reflex.
sus. pawis na pawis na ako sa pagtatanggal pero ayaw pa rin niyang matanggal. masakit na masakit na yung lalamunan ko pero wala akong magawa. sinubukan ko ulit. at! NATANGGAL KO ANG TINIK! may dugo yung tinik. medyo nasugat nito ang aking lalamunan.
kaya naman pala tinik sa lalamunan ang tawag sa kanila. pinapahirap nila ang buhay. wala silang ibang dala kundi pasakit. at kapag nawala na sila sa buhay, tunay na ginhawa ang ating nararamdaman. kung baga kapag may nalutas na problema, ang madalas sabihin ay, nabunutan ako ng tinik sa lalamunan.
ako ay natinik ngunit ito’y nabunot ko rin. wag tayong tumulad sa tinik.at mag ingat din tayo upang di tayo matinik.
xXxoOoxXX
→ Mag-iwan ng PunaMga Kategoriya: Uncategorized